Home » Sangguniang Kabataan

Sangguniang Kabataan

4 August 2010 7,231 views View Comments

Ano ang Sangguniang Kabataan (SK)?

Ang Sangguniang Kabataan (SK) ay halal na kinatawan ng mga kabataan sa bawat barangay sa buong bansa. Sa bawat barangay ay may organisasyong tinatawag na Katipunan ng Kabataan (KK), mga kabataan na edad 15-17, na siyang naghahalal ng SK chairman at mga kagawad.

Nilikha ang SK sa layunin na bigyang boses at kapangyarihan ang kabataan sa usaping pampamahalaan at panlipunan. Ang SK ay may mandatong maging kinatawan ng kabataan at maglunsad ng mga programa para sa kabataan sa barangay at sa lokal na pamahalaan.

Ang SK chairman sa bawat barangay ay umuupo bilang kagawad ng barangay. Sampung porsyento ng pondo ng barangay ay inilalaan sa SK para sa mga proyektong nito para sa kalikasan, edukasyon at training sa mga kabataan, paglaban sa droga, at iba pa.

Ang mga SK chairman ay bahagi din ng SK federation sa munisipalidad, siyudad o prubinsya. Ang ihahalal na pangulo ng SK federation ay umuupo naman bilang konsehal ng nasabing munisipalidad, siyudad o prubinsya. Ipinapatawag din ang SK national congress na siya namang naghahalal ng SK national federation officers.

Sino-sino ang maaaring maging bahagi ng SK? Paano sila inihahalal?

Sinumang kabataang Pilipino na edad 15 -17, na nakatira nang mahigit anim na buwan sa barangay na nais niyang pagpaparehistrohan ay maaaring magparehistro bilang kasapi ng KK, na siyang maghahalal naman sa SK. Inihahalal sa eleksyong kasabay ng barangay elections ang isang SK chairman at pitong SK kagawad.

Bakit dapat ireporma at palakasin ang SK?

Bagaman maganda ang layunin ng pagkakaroon ng kinatawan ang mga kabataan sa lokal na pamahalaan, binatbat ng samu’t saring kontrobersya ang SK bilang isang institusyon. Nariyan ang alegasyon ng korupsyon (vote-buying, pagkuha ng kickback sa mga proyekto at programa ng SK, pakikipagsabwatan sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno) at di-episyenteng pamamahala. Ang mga ito ang nagtulak sa ilang organisasyon at mambabatas na maghain ng mga panukalang batas na may layuning buwagin na ang SK.

Sa kabila nito, hindi dapat alisin ang mga lunsaran para sa mga kabataan na makilahok sa paggugubyerno at paglilingkod sa kapwa-kabataan. Sa halip na tanggalin ang representasyon ng mga kabataan sa mga barangay, mas nararapat na ireporma at palakasin ang SK bilang institusyon. Sa pamamagitan nito, maibabalik ang tiwala ng mamamayan sa SK bilang tunay na kinatawan na magsusulong ng interes, karapatan at kapakanan ng kabataang Pilipino.

Inihapag na ng Kabataan Partylist sa Mababang Kapulungan ang House Bill 1963 o ang “Sangguniang Kabataan Reform Act of 2010”. Hangarin nitong amyendahan ang Republic Act no. 7160 na kasalukuyang nagtatakda ng kapangyarihan at responsibilidad ng SK. Sa partikular, layunin ng panukalang batas na:

  • Baguhin ang age requirement para sa mga SK candidate. Mula 15-18 taong gulang, sinumang nagnanais maging kabahagi ng SK ay dapat may edad na 18-21 taong gulang upang matiyak na may ligal silang kapasidad na gampanan ang kanilang tungkulin.
  • Bigyan ang mga SK unit ng fiscal autonomy sa kanilang pondo at i-require silang ilagak ang pondo sa isang bangko na pagmamay-ari ng gobyerno
  • Tiyakin ang transparency ng mga yunit ng SK sa pamamagitan ng mandatory na pagsusumite ng mga SK unit ng isang quarterly financial report.
  • Italaga ang KK bilang pinakamataas na policy-making body ng SK. Tungkulin ng KK na magdaos ng regular na konsultasyon sa iba’t ibang organisasyong pangkabataan sa kanilang komunidad.
  • Hikayatin ang SK na manguna sa pagsusulong ng batayang karapatan ng mga kabataan tulad ng edukasyon para sa lahat, maayos na trabaho para sa kabataan, sustainable development, karapatang pantao at hustisyang panlipunan.

Ano ang dapat gawin?

Sa pakikipagtulungan ng National Youth Commission, inilunsad ng Kabataan Partylist ang “Ayos! A campaign for youth empowerment and public service”, isang awareness at registration campaign sa mga komunidad at barangay sa buong bansa.

Hinihikayat ang lahat na makiisa sa pagsusulong ng HB 1963 sa Kongreso. Maaari ring maglunsad ang mga organisasyong pangkabataan at mga SK unit ng kampanya upang ipalaganap ang impormasyon at kaalaman hinggil sa SK at sa HB 1963. Maaring bumuo ng petition letters at maglunsad ng signature campaign ang mga organisasyon na kanilang ipapasa sa kongresista ng kanilang distrito at sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan.

Maaari ring makipag-ugnayan sa Kabataan Partylist. Inaanyayahan din ang lahat na magparehistro at lumahok sa nalalapit na SK elections ngayong Oktubre 25.

Magparehistro at lumahok sa SK elections!
Isulong ang SK Strengthening and Reform Bill (HB 1963) ng Kabataan Partylist!

View Comments »

  • sharmaine mAe said:

    nice…nakapuLot na naman aku ng karagdagang impormasyon tungkol sa mahahalagang bagay na dapat gampanan ng isang halal…salamat po.

  • sharmaine mAe said:

    kip it uP…may balak po kasi akung tumakbo bilang SK kagawad and it heLps me a Lot how to manage a baranggay..godbless

  • Tanya said:

    no comment at all
    poero bongga!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!……………..

  • Tanya said:

    no comment
    pero bongga!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  • Jarence Trimidal said:

    Botohan rin o b ang mangyayari para makapili ng SK federation? Un pong prang konsehal n? Salamt sa sasagot. :)

  • Maecon Lagunero said:

    I want to become a GOOD LEADER to anyone, syempre bago ka mag patupad ng programa sa inyong Brgy. kaylangan mo munang simulan sa iyo bago sa iba :D

  • Raffey said:

    ahm oo tama to lahat pero as an sk chairman mahirap hawakan ang perang hindi sayo lalo na pag gusto mong mag implement ng proyekto at gusto mo anjan 
    hindi basta 2x ang haba haba ng proseso at isa pa kung maliit lang ang budget ng baranggay niyo mtagal kapa maka implement ng project dahil abg pira mo ai iipon pa para lumaki ng lumaki para maka implement ka ng proyektong talagang gusto mo?

  • Anonymous said:

    gusto kopang mamuno sa aming barangay bilang SK Chairman, kaso ang problema po, ngayon 2012 napuba ang pagbato, e 14years old palang po ako….

  • Anonymous said:

    ang isang isang sk chairman o sk kagawad ay isang malaking obligasyon at responsibildad hnd madaling mamumuno at maging isang lider ng kabataan ngunit ang Pagiging Sk.chairman ay di nasusukat sa kalagayan ng buhay mon knalalagyan… sa pagkat ang papaging may pangarap at may pagnanasang matuluyan m ang iyong kapwa kabataan at kapwa m branggay ay mpapagyaman m ito sa mabuting pakikitungo pakikiugnayan kung saan ang attention ng kabataan e madadala m s ibang ibang may kaugnayan sa pakikipag talastasan s kawpa sa sports at mga proyektong ugnayan sa kabutihan ng pagiging kapwa tao training religion at ibat iba pang acitivities kc dati din ako sk.chairman
     year 2007-2010

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.

blog comments powered by Disqus