Home » Features

State Universities & Colleges Budget Briefer 2011

6 September 2010 14,190 views 17 Comments
Share

ANG PROPOSED 2011 BUDGET NG ADMINISTRASYONG AQUINO

Para sa taong 2011, ang panukalang budget ng administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ay umaabot sa halagang mahigit P1.6 trilyon. Ayon sa kanya, ang panukalang budget para sa 2011 ay nakatuon sa “reform” at sa kanyang pangakong “matuwid na daan.” Aniya, ang budget ng kanyang administrasyon ay may pagkiling para sa mga mahihirap.

Ngunit, kung susuriin nang mabuti, ipinagpapatuloy lamang ng 2011 Budget ang pangkabuuang polisiya ng nakaraang mga administrasyon, ang polisiya ng sistematikong pagbabawas-gastos sa mga serbisyong panlipunan sa ngalan ng pagtitipid upang siguraduhin ang tuluy-tuloy na pagbabayad ng utang sa mga lokal at dayuhang kreditor. Sa katunayan, ang panukalang bayad-utang ng gobyerno para sa 2011 ang pinakamataas nito sa kasaysayan. Aabot ito, kapag pinagsama ang prinsipal at interes, sa mahigit-kumulang P823.27 bilyon (P357.09 bilyon sa interes at P466.18 bilyon sa prinsipal na hindi isinasama sa kabuuang buget proposal ng pamahalaan).

Isa sa mga pangunahing tinatamaan ng ganitong neoliberal na polisiya sa paggastos ng pamahalaan, na dikta mismo ng mga lokal at dayuhang nagpapautang, ay ang mga State Universities & Colleges (SUC’s).

Tulad ng mga polisiya ng dating Pangulong Gloria Arroyo sa mga SUC’s na nakasaad sa kanyang Medium Term Development Plan for Higher Education, itinutulak rin ni Pangulong Aquino ang pagbabawas ng subsidiya sa SUC’s upang pilitin ang mga ito na lumikom ng sarili nitong pondo sa pamamagitan ng pagtataas ng matrikula, pagbebenta o pagpapa-upa sa mga lupain at pasilidad, bukod sa iba pang mga paraan. Ani Aquino sa kanyang 2011 Budget Message, balak ng kanyang gobyerno ang “gradually reducing the subsidy to SUCs to push them toward becoming self-sufficient and financially independent, given their ability to raise their income.

Sa kabila ng “austerity measure” ng administrasyong Aquino upang pagkasyahin ang “meager resources” ng pamahalaan para sa lahat ng serbisyong panlipunan, nakakamangha na nagagawa pa nitong dagdagan nang limpak-limpak ang budget ng militar na paglalaanan nito ng P104.7 bilyon. Higit sa doble rin ang naging pagtaas ng budget para sa takaw-kurapsyon na “pork barrel” mula P10.9 bilyon patungong P24.8 bilyon. Naglaan din ang pamahalaan ng mahigit P15 bilyon para akitin ang mga pribadong mamumuhunan na makipagsosyo sa gobyerno upang magtayo at magpatakbo ng mga serbisyo at imprastraktura sa pamamagitan ng “public-private partnerships,” taliwas sa sinabi ni Aquino noong kanyang unang SONA na walang gagastusin ang pamahalaan para sa mga hakbanging ito.

KABUUANG STATE SUBSIDY NG MGA STATE UNIVERSITIES & COLLEGES

Datos mula sa Budget Expenditures and Sources of Financing ng Department of Budget and Management

*Kasama na ang mga hiwalay na pondo para sa Personnel at Retirement Pension Benefits ng mga empleyado ng SUC’s, na nakabukod sa SUC appropriation sa aktwal na General Appropriations Act
**Estimated real value ng state subsidy base sa Consumer Price Index ng gobyerno, ayon sa halaga ng salapi noong taong 2000 (rounded-off sa nearest hundreds)
***Projected real value ng state subsidy base sa estimated Consumer Price Index ayon sa percent na nilaki nito nitong 2010 mula 2009

Para sa taong 2011, ang ilalaan na kabuuang subsidiya ng administrasyong Aquino para sa mga SUC’s ay mahigit-kumulang P23.41 bilyon (kabilang na ang pondo para sa Personnel at Retirement Pension benefits na sa aktwal na General Appropriations Act ay hiwalay sa budget ng SUC’s). Mas mababa ito nang mahigit P437 milyon mula sa budget ng SUC’s ngayong 2010, at mas mababa ito nang halos P2 bilyon mula sa budget ng SUC’s noong 2009.

Ang pinakamalalang tatamaan ng mga budget cut para sa 2011 ayon sa indibidwal na proposed budget ng mga SUC’s (hindi pa kasama ang dagdag na halaga mula sa hiwalay na Personnel at Retirement Pension benefits) ay ang mga sumusunod:

SUC’s NA MAY PINAKAMALALANG BUDGET CUT SA 2011 (AYON SA PORSYENTO)

  1. Philippine Normal University (-23.59%)
  2. Aurora State College of Technology (-22.21%)
  3. Cerilles State College (-21.95%)
  4. University of the Philippines (-20.11%)
  5. University of Southeastern Philippines (-20.03%)

SUC’s NA MAY PINAKAMALALANG BUDGET CUT SA 2011 (AYON SA AKTWAL NA SUBSIDIYA)

  1. University of the Philippines (-P1.39 bilyon)
  2. Philippine Normal University (-P91.35 milyon)
  3. Bicol University (-P88.81 milyon)
  4. University of Southeastern Philippines (-P44.39 milyon)
  5. Central Bicol State University of Agriculture (-P31.65 milyon)

Makikita rin sa “real value” ng state subsidy ng SUC’s na bagamat may paglaki sa nominal na subsidiya na binibigay ng pamahalaan para sa mga SUC’s sa loob ng nakaraang dekada, ang aktwal na halaga nito ay unti-unting bumaba taun-taon. Lumiliit din ang halaga nito kung isasama ang katotohanang dumadami ang mga programa ng mga SUC’s at lumalaki ang bilang ng kanilang mga mag-aaral.

Ayon sa datos ng Department of Budget and Management (DBM) at sa Consumer Price Index (CPI) data ng National Statistical Coordination Board (NSCB)

LUMILIIT NA STATE SUBSIDY PARA SA MAINTENANCE & OTHER OPERATING EXPENSES

Patuloy at mas malala ang pagbagsak ng subsidiya na ibinibigay ng gobyerno sa mga SUC para sa “Maintenance & Other Operating Expenses” (MOOE) ng mga ito. Ang MOOE ang pondo ng ginagamit ng mga SUC’s para aktwal na patakbuhin ang mga iba’t ibang mga serbisyo at pasilidad ng mga kolehiyo. Halimbawa, dito kinukuha ang pambayad sa kuryente, sa mga kontraktwal na empleyado, mga scholarships, sa pag-maintain ng mga pasilidad, at iba pa.

Dahil sa natural na taunang pagtaas ng budget para sa “Personnel Services” (PS) ng mga SUC’s upang tugunan ang “Salary Standardization Law,” hindi buong nahahalata ang malubhang pagbabawas ng subsidya para sa MOOE sa maraming SUC’s.

Mahigit P1.1 billion ang kaltas sa MOOE para sa taong 2011 mula sa antas nito noong 2010. Ito ang pinakamalaking kaltas sa MOOE sa kasaysayan. Posibleng ito rin ang pinakamababang MOOE sa loob ng mahigit isang dekada kung iko-compute ang maaaring halaga lang nito sa “real value” gamit ang halaga ng pera noong 2000 bilang constant.

Datos mula sa Budget Expenditures and Sources of Financing (BESF) ng Department of Budget and Management (DBM)


***Projected real value ng state subsidy base sa estimated Consumer Price Index ayon sa percent na nilaki nito nitong 2010 mula 2009

7 SUC’s NA MABABAWASAN NG HIGIT 50% ANG M.O.O.E. SA 2011

  1. Southern Philippines Agri-Business & Marine and Aquatic School (-66.27%)
  2. Southern Leyte State University (-64.03%)
  3. Central Bicol State University of Agriculture (-57.96%)
  4. Partido State University (-56.83%)
  5. Nueva Vizcaya State University (-53.65%)
  6. University of the Philippines (-51.85%)
  7. Aurora State College of Technology (-51.84%)

Ang kakulangan sa pondo para sa pagpapatakbo sa mga SUC’s ang pangunahing dahilan ng mga ito upang itaas ang matrikula at iba’t ibang mga bayarin mula sa mga mag-aaral. Kaya’t sa lubhang pagbaba ng MOOE ng mga SUC’s sa 2011, tiyak at walang duda na mapipilitang gumawa ng paraan ang mga namamahala sa mga SUC’s na huthutin mula sa mga mag-aaral ang kakulangan sa pondo sa pamamagitan ng tuition and other fee increases.

WALANG CAPITAL OUTLAY

Walang ilalaan na pondo ang gobyerno para sa “Capital Outlay” ng mga SUC’s. Ang “Capital Outlay” ang bahagi ng budget ng isang ahensya ng pamahalaan na ginagamit para sa pagbili ng mga bagong pasilidad at pagtatayo ng mga bagong gusali at imprastraktura.

Kung matutuloy ang panukalang zero capital outlay ni Pangulong Aquino, ito ang magiging unang pagkakataon na walang magiging pondo ang mga SUC’s para sa kailangang-kailangang pambili ng mga pasilidad at pagtatayo ng mga silid-aralan at iba pang imprastraktura para sa mga mag-aaral. (Noong nakaraang taon, halos zero capital outlay rin ang panukala ng administrasyong Arroyo para sa 2010, ngunit ito ay napigilan sa pamamagitan ng pagreallocate ng pondo ng ibang ahensya patungo sa SUC’s).

LUMALAKING KITA AT BAHAGI NG KITA MULA SA TUITION AND OTHER FEES

Patuloy ang pagtaas ng kinikita ng mga SUC’s mula sa tuition at iba’t ibang mga bayarin na kanilang sinisingil mula sa mga mag-aaral nang dahil na rin sa pinapatupad na tuition and other fee increases.

Mula sa kabuuang P1.5 billion isang dekada ang nakararaan, aabot ito sa mahigit-kumulang P7.7 billion sa 2011, ayon sa projection ng gobyerno. Ito ay bubuo sa mahigit 22.1% ng kabuuang budget ng mga SUC’s mula sa 8.3% lamang noong 2001.

Datos mula sa Budget Expenditures and Sources of Financing (BESF) ng Department of Budget and Management (DBM), in thousand pesos

LUMILIIT NA BAHAGI NG STATE SUBSIDY

Bukod sa kita mula sa mga sinisingil na mga bayarin ng mga SUC administration mula sa mga mag-aaral, kumikita rin ang mga SUC’s sa pamamagitan ng pagpapa-upa at pagbebenta ng mga lupain at pagsasapribado ng mga imprastraktura at facilities nito. Ang kabuuang kita ng mga SUC’s mula sa mga bayarin mula sa estudyante at iba’t iba pang iskema ng paglikom ng sarili nitong pondo ay bumubuo sa kanilang “internally-generated income” na hiwalay sa subsidiya na binibigay ng gobyerno para patakbuhin ang mga naturang unibersidad at kolehiyo.

Mula 2001, kung saan ang state subsidy ay bumubuo sa 84.14% ng kabuuang budget ng mga SUC’s, patuloy itong lumiit hanggang sa ito ay katumbas na lamang ng 66.3% ng kabuuang budget ng mga SUC’s sa 2011.

Datos mula sa Budget Expenditures and Sources of Financing (BESF) ng Department of Budget & Management (DBM)

PINAKAMABABANG SUBSIDY PARA SA BAWAT ISKOLAR NG BAYAN SA UNANG TAON NI AQUINO

Datos mula sa Commission on Higher Education * Estimation base sa average growth rate ng laki ng enrollment sa public at private universities & colleges

Sa kabila ng unti-unting paga-abandona ng gobyerno sa mga SUC’s sa pamamagitan ng mga budget cuts, patuloy naman ang paglaki ng bilang ng mga kabataan na pumapasok at gustong pumasok sa mga SUC’s nang dahil na rin sa walang-habas na pagtaas ng matrikula sa mga pribadong paaralan.

Sa ganitong lagay, ang anumang kakarampot na budget na ibinibigay ng gobyerno sa mga SUC’s ay nawawalan pa ng halaga dahil sa ito ay pinaghahatian ng mas dumadaming kabataang mag-aaral. Sa aktwal, lumiliit nang lumiliit ang ginagastos ng gobyerno sa bawat isang iskolar ng bayan. Maaaring ang SUC subsidy para sa 2011 ang pinakamababang per-student spending ng pamahalaan sa loob ng mahigit isang dekada.

Table showing the actual and real value of subsidy the state is providing each state university student the past decade


Decreasing state subsidy-per-student over the years

Lumalabas na para tumbasan ang halaga ng state subsidy per student noong taong 2000, kailangan maglaan ng gobyerno ng karagdagang P11,244.66 para sa bawat iskolar ng bayan para makaabot ito sa P34,960.94 bawat isa. Ang halagang ito ay hindi pa nga sasapat para makapag-enroll ang isang kabataang Pilipino sa maraming pribadong kolehiyo sa Maynila, maging sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan aabot sa mahigit P40,000 ang lahat ng bayarin kada taon.

Para lang tumbasan ang halaga ng state subsidy noong 2000, ang dapat na state subsidy para sa mga SUC’s ngayong taon ay P34.5 bilyon, mas mataas ng mahigit P11.09 bilyon mula sa panukala ni Pangulong Aquino. Hindi nakapagtataka na sa kabilang banda, ang projected na kikitain ng mga SUC’s mula sa tuition at iba pang bayarin mula sa mga iskolar ng bayan ay P11.89 bilyon, halos eksakto at sapat para punan ang kakulangan ng pamahalaan.

  • http://www.facebook.com/jackychanjop Jacky Chan Jop

    Sana yung Budget na lang ng malacanang yunhg i budget cut o dikaya ulo na lang nila yung i-cut I mean “HeadCut”..

  • http://twitter.com/chanotarium christian espinoza

    walang pinagkaiba ang repormang pinangangalandakan ng pamahalaang Aquino sa mga programa ng mga nagdaang administrasyon. walang signipikanteng pagbabagong maaasahan ang bayan sa ilalim nito.

  • http://pulse.yahoo.com/_WJSK4CVNJMCEY4KONMHQC6U3QY eric

    NASAAN NA ANG SINASABING “MUKHA NG PAGBABAGO” GAYONG KATULAD LAMANG NG NAGDAANG ADMINISTRASYON ANG GINAGAWA NG ADMINISTRASYONG AQUINO.?

  • http://twitter.com/NUSPLaguna JB DANGA

    Nalalagay sa bingit ng alanganin ang kinabukasan ng mga kabataan. Dapat ipaalala sa kasalukuyang rehimen ang kanyang mga pangako noong panahon ng pangangampaya na paglalaanan ng malaking budget ang edukasyon in all levels. Iyong Pondo ng Office of the President ay bawasan at ilagay sa mga pondo ng mga SUC!.

  • http://twitter.com/NUSPLaguna JB DANGA

    Bawasan ang pondo ng AFP, DND at ang mga pondo ng GOCC at GFI. Ilaan na lang sa mga budget ng mga SUC!.

  • http://www.facebook.com/people/Karlos-Manlupig/100000208174634 Karlos Manlupig

    katulad ng nakaraang administrasyon, priority ni P-Noy ang pagbili ng bala at body bags. Kung si Gloria kayang pang dalhin ang linyang “edukasyon ang solusyon” kahit na propaganda level lamang, walang kahiya-hiyang namang ipinagmamalaki na “militarisasyon ang solusyon” ang official slogan ng pambansang mascot ng mga naghaharing-uri at ng mga dilawan.

  • http://facebook ReNel

    as usual walang pinagkaiba..sa daang tinahak ng tuta na si gloria…ang kasalukuyang administrasyon……

  • http://twitter.com/tikoyman tyron wensley gratil

    what do we expect from this govt!? nakakapanlumo! good thing is, i did not vote for pnoy!

    • http://www.facebook.com/profile.php?id=100000533809798 Cherinz Ado

       let’s just support him so he can do what is good for oue country . ^_^

      • http://www.facebook.com/TAMLING Myselp Ako Nga Lang

        sige tama suportahan natin sya. hayaan nating magka budget cut sa mga suc’s… ke sejodang hindi na makakapag aral ang maraming mga kabataan… that is for the good of our country… makakabuti nga naman kung hindi na sila mag aaral… dadami ang adik, dadami ang holdaper etc. etc. makakabuti iyon sa pilipinas…

  • http://www.facebook.com/profile.php?id=100001528440095 Bryan May Baquero

    I hope this a good action of the gov’t & it will not be a burden & problem to the parents paying tuition fees in the said colleges & universities & the school will not increase their tuition fees abusively

  • Pingback: On the South Luzon Expressway (SLEX) toll hike « Victor Villanueva

  • Pingback: Cutting through the lies: Examining Aquino’s statement on education budget cuts « VencerCrisostomo.com

  • Pingback: Kabataan Partylist » Response to Aquino government lies about SUC budget cuts

  • http://www.facebook.com/people/John-Allan-del-Rosario/100000883205357 John Allan del Rosario

    ang kalidad ng ating edukasyon ay di na susukat sa pagtaas ng matrtikula..bagkos sa mga gurong handang magsakripisyo matugunan lamang ang pangangailangan ng mga magaaral,,,

    QUALITY EDUCATION NEED NOT TO BEEXPENSIVE!!!!

    we born to be educated at hindi pahirapan sa matas na matrikula,,,

  • http://www.facebook.com/profile.php?id=100000112595996 Mark Besana

    Mga
    Dahilan at Binabawasan ng Pamahalaan ang Pondo ng mga Pampublikong Unibersidad

  • http://www.facebook.com/irischarmaine Iris Charmaine Olaso

    I hope makapagrelease ulit ang Kabataan Partylist ng ganitong klase ng artikulo na mas updated na. Sobrang gandang basahin at ishare sa mga kapwa ko Iskolar ng Bayan.